Sabi ng doctor nya, successful naman ang pacemaker insertion nya at maayos naman ang kanyang kalusugan at katawan. Pero mahirap kung ang pasyente na mismo ang sumusuko at ayaw gumaling.
Mahirap imaginin na mangyari ito sa isang double degree cum laude tulad ng nanay ko. Pero ito ngayon ang aming hinaharap. Anxiety syndrome o deep depression daw ang tawag dito.
Ang hirap at nakakafrustrate dahil ang dating ordinaryo ay komplikadong bigla. Yung basic na pagcommunicate ay pinahirapan dahil sa kanyang kundisyon. Kung may episodes siya, palagi siyang nakapikit. Ayon sa psychiatrist, ito ang kanyang paraan para i-shut off ang kanyang sarili sa reality o sa mundo.
Bilang Katoliko, ako ay naniniwala na may dahilan ang lahat ng bagay. Pwede naman kami magmukmok at paghinaan ng loob tulad ng iba, ngunit pinili namin na isipin na may itinuturo sa amin ang Panginoon sa situwasyon na ito.
Lahat ng nangyayari sa atin ay pagkakataon para lalo tayo mapabuti bilang tao. Ito ay mga oportunidad para maging mas mapagkumbaba, mas mapagmahal, mas mapagpasensiya …
At bakit nga hindi? Kung meron mang tao na karapat dapat nating pagmalasakitan at pagsakripisyuhan – ito ay ang ating mga magulang.
Salamat talaga sa Diyos sa pagmumulat nito sa akin habang may panahon pa para maramdaman pa ito ng aking mga magulang. Sa tutuo lang, hindi pa sapat ang lahat ng ating ginagawa ngayon para sa ating mga magulang.
Napapanahon na, na sa kanilang edad kung saan parang bumabalik na sila sa pagiging sanggol ay tayo naman ang mag-aruga sa kanila ng may pagmamahal – tulad din ng pag-aaruga at paggagabay na galing sa puso na ibinuhos naman nila sa atin nung tayo ay nasa murang edad pa lamang.
San Jose, tulungan ninyo kaming tularan ang pag-aalagang ibinuhos sa inyo ni Hesus bago kayo pumanaw na yakap-yakap ng inyong mag-inang si Maria at si Hesus.
No comments:
Post a Comment