Mukhang nagiging trend ito dahil dati Shoppersville lang ang gumagawa nito. Ngayon, dumarami na.
Maaaring hindi pabor dito ang iba dahil sa nababawasan pa ang kikitain dapat ng mga ordinaryong empleyado na napakababa ng sinasahod.
Pero, malalim at napakabuti ng mensahe at values na tinuturo nito. Di lamang sa mas nakababatang henerasyon, kundi pati sa mga bagger boy at parking attendants mismo.
Nasanay kasi ang mga tao sa service industry na tumanggap ng tip para sa magandang serbisyo na dapat ay basic lang sa mga empleyado. Tuloy, na equate ang customer satisfaction sa laki ng binibigay na tip sa kanila.
Sa “No Tips” policy, pinaaalahan ng Shoppersville, Save More at Parco ang kanilang mga empleyado na dapat pagsilbihan ng maayos ang bawat customer ng walang inaasahan na tip o pabuya.
Dagdag pa riyan ang pagturo nila sa mga mamimili na di kailangan suhulan ang mga empleyado para sa isang bagay na kasama sa trabaho nila at sinusuwelduhan sila. Ang maganda rito ay ang pagbura sa isipan at praktis natin na “pera-pera” o na lahat ay kayang bilhin ng pera.
Ang tunay na benepisyo nito ay ang dignidad na binibigay nito sa ordinaryong empleyado at ang tamang aral tungkol sa customer service at customer satisfaction. Tinuturo nito ang paggawa ng tama … and doing your best at all times.
Dati, ang gandang isipin na nagagantimpalaan natin ang mga deserving. Yun pala, isang uri rin pala ito ng bribery. Akala natin system of reward and punishment. Yun pala, kinokorap na natin sila.
Tutuong maliit na hakbang pa lamang itong “No tips” policy, mga kapatid. Pero, marami ang umaasa na sa pamamagitan nito … manunumbalik ang tapat na serbisyo … serbisyong wagas at dalisay.
No comments:
Post a Comment