Saturday, August 24, 2013

Priests are beggars in good faith

MSGR. JOSEFINO S. RAMIREZ, spiritual director ng Saint Joseph Apostolate Center. Priests are beggars in good faith who do not distinguish nor discriminate. The Sunday collection plate during Offertory is one good example. Do we ask people where their money came from?
Ang hirap sa iba sa atin, sama na lang tayo parati sa agos. Tulad ngayon na uso ang church bashing, so bawat balita na may pari involved, masama na agad ang pari.

Kawawa naman si Msgr. Josefino Ramirez. Kilala ko siya kasi spiritual director ko siya at nagsilbi ako bilang head (pro bono) ng selebrasyon ng ika-400 anibersaryo ng Nazareno ng Quiapo.

Una, hindi tutuo na yung checke na inisyu kay Ramirez ay monthly stipend para sa kanya kundi donasyon ng charity foundation para sa simbahan at mga proyekto nito.

At isa pa, hindi naman alam ni Ramirez kung saan galing ang pera ni Napoles. Ang sabi broker at supplier siya. Parang kontribusyon ng mga tao sa Misa tuwing Linggo … tinatanong pa ba ng pari kung saan galing ang linagay natin sa collection plate?

Pati nga ang sinasabing imahen ng Nazareno na dinadala sa bahay ng pamilya nila Napoles. Sa katunayan, ang replikang ito ay pagaari ng nanay ni Napoles na ipinagawa ng nanay nya nung rector ng Quiapo si Ramirez sapagkat dati pang deboto ng Nazareno yung nanay.  Itong imahen na ito ang iniikot sa mga bahay ng mga anak nya linggo linggo. Hindi ito ang replica ng Nazareno na pag aari ng Quiapo Church. So wala pong masama dun.

Ang nanay ni Napoles na si Mrs. Magdalena Luy Lim ay matagal ng benefactor ng simbahan. Sya ang sponsor ng araw araw na feeding program ni Ramirez sa Binondo, sa reclamation, at sa Quiapo. Marami siyang sinuportahan na mga proyekto ni Ramirez.

Nung mamatay si Magdalena nung 2008 ay ipinagpatuloy ni Janet Napoles at kanyang mga kapatid ang generosity ng ina sa pamamagitan ng pagtayo ng foundation sa ngalan niya (Magdalena Luy Lim Charity Foundation in the service of the Divine Mercy, Inc. Hindi po ito kasama sa mga NGO na ginamit sa pork barrel scam.)

So lahat ng tinutulungan ng ina nila ay patuloy na tinulungan ng pamilya nila. Isa na si Msgr. Ramirez dito. Kaya nung na-appoint si Ramirez na Continental Coordinator for Divine Mercy Asia ng Roma ay sinuportahan din nila ito. Katunayan, pinahiram pa nila ang dalawang bahay na ginamit para sa misyong ito bilang venue ng mga formation seminars at bilang tirahan ng mga pari at madre galing sa Mainland China. Labing dalawang grupo na ng mga tig-benteng pari at madre dumaan sa formation at naturuan ng Inggles sa pamamagitan ng proyektong ito ni Ramirez.

PERSECUTED CHINESE PRIESTS. Msgr. Ramirez with 5 Chinese Priests from Mainland China undergoing further formation at Ateneo or UST are seen here co-celebrating the Feast Day Mass of St. Joseph at the Saint Joseph Apostolate Center last March 19, 2012.


Bilang dating Vicar General ni Cardinal Sin na may track record na successful projects, madalas binibigyan si Ramirez ng mga assignment ng Cardinal. Malapit kasi si Ramirez sa Chinese community. Mataas ang respeto nila kay Ramirez at alam nilang walang nasasayang sa binibigay nilang donasyon.
Natural bawat proyekto ay nangangailangan ng pondo. Saan niya kukunin yon? Ang Chinese community ang sumusuporta kay Ramirez.

Nakakalungkot lang na marami sa atin ang dali agad humusga ng di tinitignan ang track record ng ibang tao.

Sana po ay bigyan muna natin ng benefit of the doubt para mabigyan ng pagkakataon na malaman muna natin ang buong istorya bago tayo maghusga agad.


Hindi po ito pagtatanggol sa mga Napoles dahil naniniwala ako na kung guilty sila, dapat silang managot sa kasalanan nila sa sambayanang Pilipino.

Saturday, August 17, 2013

To insure proper service? O, panunuhol?

Kung meron man akong nakakitaan ng maganda sa panahon na ito, ito ay ang di pagtanggap ng tip ng mga bagger boys at parking attendants ng Shoppersville, Save More at Parco supermarkets.

Mukhang nagiging trend ito dahil dati Shoppersville lang ang gumagawa nito. Ngayon, dumarami na.
Maaaring hindi pabor dito ang iba dahil sa nababawasan pa ang kikitain dapat ng mga ordinaryong empleyado na napakababa ng sinasahod.

Pero, malalim at napakabuti ng mensahe at values na tinuturo nito. Di lamang sa mas nakababatang henerasyon, kundi pati sa mga bagger boy at parking attendants mismo.

Nasanay kasi ang mga tao sa service industry na tumanggap ng tip para sa magandang serbisyo na dapat ay basic lang sa mga empleyado. Tuloy, na equate ang customer satisfaction sa laki ng binibigay na tip sa kanila.

Sa “No Tips” policy, pinaaalahan ng Shoppersville, Save More at Parco ang kanilang mga empleyado na dapat pagsilbihan ng maayos ang bawat customer ng walang inaasahan na tip o pabuya.

Dagdag pa riyan ang pagturo nila sa mga mamimili na di kailangan suhulan ang mga empleyado para sa isang bagay na kasama sa trabaho nila at sinusuwelduhan sila. Ang maganda rito ay ang pagbura sa isipan at praktis natin na “pera-pera” o na lahat ay kayang bilhin ng pera.

Ang tunay na benepisyo nito ay ang dignidad na binibigay nito sa ordinaryong empleyado at ang tamang aral tungkol sa customer service at customer satisfaction. Tinuturo nito ang paggawa ng tama … and doing your best at all times.

Dati, ang gandang isipin na nagagantimpalaan natin ang mga deserving. Yun pala, isang uri rin pala ito ng bribery. Akala natin system of reward and punishment. Yun pala, kinokorap na natin sila.

Tutuong maliit na hakbang pa lamang itong “No tips” policy, mga kapatid. Pero, marami ang umaasa na sa pamamagitan nito … manunumbalik ang tapat na serbisyo … serbisyong wagas at dalisay.