Ang hirap sa iba sa atin, sama na lang tayo parati sa agos.
Tulad ngayon na uso ang church bashing, so bawat balita na may pari involved,
masama na agad ang pari.
Kawawa naman si Msgr. Josefino Ramirez. Kilala ko siya kasi spiritual
director ko siya at nagsilbi ako bilang head (pro bono) ng selebrasyon ng
ika-400 anibersaryo ng Nazareno ng Quiapo.
Una, hindi tutuo na yung checke na inisyu kay Ramirez ay
monthly stipend para sa kanya kundi donasyon ng charity foundation para sa
simbahan at mga proyekto nito.
At isa pa, hindi naman alam ni Ramirez kung saan galing ang
pera ni Napoles. Ang sabi broker at supplier siya. Parang kontribusyon ng mga
tao sa Misa tuwing Linggo … tinatanong pa ba ng pari kung saan galing ang
linagay natin sa collection plate?
Pati nga ang sinasabing imahen ng Nazareno na dinadala sa
bahay ng pamilya nila Napoles. Sa katunayan, ang replikang ito ay pagaari ng
nanay ni Napoles na ipinagawa ng nanay nya nung rector ng Quiapo si Ramirez
sapagkat dati pang deboto ng Nazareno yung nanay. Itong imahen na ito ang iniikot sa mga bahay
ng mga anak nya linggo linggo. Hindi ito ang replica ng Nazareno na pag aari ng
Quiapo Church. So wala pong masama dun.
Ang nanay ni Napoles na si Mrs. Magdalena Luy Lim ay matagal
ng benefactor ng simbahan. Sya ang sponsor ng araw araw na feeding program ni
Ramirez sa Binondo, sa reclamation, at sa Quiapo. Marami siyang sinuportahan na
mga proyekto ni Ramirez.
Nung mamatay si Magdalena nung 2008 ay ipinagpatuloy ni
Janet Napoles at kanyang mga kapatid ang generosity ng ina sa pamamagitan ng
pagtayo ng foundation sa ngalan niya (Magdalena Luy Lim Charity Foundation in
the service of the Divine Mercy, Inc. Hindi po ito kasama sa mga NGO na ginamit
sa pork barrel scam.)
So lahat ng tinutulungan ng ina nila ay patuloy na
tinulungan ng pamilya nila. Isa na si Msgr. Ramirez dito. Kaya nung na-appoint
si Ramirez na Continental Coordinator for Divine Mercy Asia ng Roma ay
sinuportahan din nila ito. Katunayan, pinahiram pa nila ang dalawang bahay na
ginamit para sa misyong ito bilang venue ng mga formation seminars at bilang
tirahan ng mga pari at madre galing sa Mainland China. Labing dalawang grupo na
ng mga tig-benteng pari at madre dumaan sa formation at naturuan ng Inggles sa
pamamagitan ng proyektong ito ni Ramirez.
Bilang dating Vicar General ni Cardinal Sin na may track record na successful projects, madalas binibigyan si Ramirez ng mga assignment ng Cardinal. Malapit kasi si Ramirez sa Chinese community. Mataas ang respeto nila kay Ramirez at alam nilang walang nasasayang sa binibigay nilang donasyon.
Natural bawat proyekto ay nangangailangan ng pondo. Saan
niya kukunin yon? Ang Chinese community ang sumusuporta kay Ramirez.
Nakakalungkot lang na marami sa atin ang dali agad humusga ng di tinitignan ang track record ng ibang tao.
Nakakalungkot lang na marami sa atin ang dali agad humusga ng di tinitignan ang track record ng ibang tao.
Sana po ay bigyan muna natin ng benefit of the doubt para
mabigyan ng pagkakataon na malaman muna natin ang buong istorya bago tayo
maghusga agad.
Hindi po ito pagtatanggol sa mga Napoles dahil naniniwala
ako na kung guilty sila, dapat silang managot sa kasalanan nila sa sambayanang
Pilipino.
No comments:
Post a Comment