Wednesday, September 25, 2013

Mag-ingat para di makuryente

POPE FRANCIS (source: charismanews.com)

Piyesta ang mga media organization na lantarang anti-Catholic kada may pronouncement si Pope Francis.

Kanya-kanya sila sa pag anggulo ng balita na pabor sa kanilang motibo.

Lalo na dito sa pinakahuling pananaw daw tungkol sa abortion at homosexuality ng Santo Papa. 

Nakikita ng media ang gusto nilang makita. At, sinusulat nila ito na sadyang may kulay para mas maraming malinlang at maligaw.

Pansinin ninyo, di lang mga international news organizations ang nag misinterpret – pati mga local media nakisawsaw.

Nagulantang tuloy sila nang malathala naman ang pag excommunicate ng Papa sa Australiyanong pari na pabor sa gay marriage. Tila bang nagbubunyi sila na sa wakas ay naging liberal na ang Roma dahil kay Pope Francis pero – bigla silang nalito nang pinarusahan ang isang pari sa isang isyu na related sa homosexuality.

Ito ay patunay lang o indikasyon na mali ang pag-aakala nila sa tunay na mensahe ng Santo Papa.

Kaya tayong mga practicing Catholics, huwag po tayo basta basta maniniwala sa mga makulay na binabalita tungkol sa ating pananampalataya. Alamin muna natin ang source, at saka natin basahin o panuorin ng maigi ang kabuuan ng sinabi ng ating mahal na Pope Francis.

Tunay na marami tayong matututunan sa ating bagong Pastol pero mas mabuti na mag-ingat tayo na hindi tayo maisahan ng mga may masamang balak.

Himayin ninyo ng maigi ang mga lumalabas na balita at pagnilayan ninyo. Magdasal at humingi ng gabay ng Banal na Espiritu para sa discernment.

Ang hanapin ninyo ay ang consistency ng mensahe. Ang katutohanan ay magkakaayon. Kahit paano mo pa baliktarin yan … pareho pa rin. Consistent.

Eh kung di nagtutugma ang mga pronouncements, pananaw, o kilos … tiyak yan, mali ang pagkakaintindi sa tunay na espiritu ng mensahe.

“Be not afraid,” ang sabi ng dating Papa Juan Pablo II. Huwag po kayong mababahala dahil hindi po pababayaan ng Diyos na magtatagumpay ang mga nagkakalat ng mga kamalian tungkol sa ating pagiging Katoliko.


Kailangan lang po na manatili tayong dilat, alerto, at mapanuri.

No comments:

Post a Comment