MARIAN MONUMENT OF GRUPO DA IMACULADA at Sto. Nino de Molino Parish in Bacoor, Cavite. |
Mula nang magmensahe ang Mahal na Ina nung kanyang kaarawan nung September 8, 2000 … ay marami na ang nagpatutuo tungkol sa mga answered prayers.
Ang sabi ng isang boses ng babae nuon pagkatapos magdasal ng Rosaryo ang mga His Watchful Servants sa Marian Monument sa Marikina Heights ay ... kung sino man ang may problema ay lumapit lamang sa kanya at mag-“pray from the heart” at siya na ang bahala na mag-intercede sa kanyang anak na si Hesus.
Labing tatlong taon na ngayon ang nakalipas.
Nasa Iloilo kami ni Henry Ocier ngayong Lunes para bisitahin ang isang monumento sa Jaro Cathedral. Diumano, 14 years na itong bakante at walang imahen ng Immaculate Heart of Mary na dapat ay manggagaling sa Fatima, Portugal.
Mabuti na lang at naireport ito sa Grupo Da Imaculada (GDI) Facebook Page ni Remon Ramos ng Iloilo. Kung hindi ay di namin malalaman na meron din palang Marian Monument dito.
Ang mga imahen na ito ay regalo ni Sister Lucia Dos Santos, isa sa visionaries ng Fatima, Portugal sa Pilipinas nung 1999.
Sampung imahen ang pinadala niya nuon at ito ay enthroned na sa mga monumento sa:
- Binakayan, Cavite (Our Lady of Fatima);
- Bacoor, Cavite (Sto. Nino de Molino);
- Cabuyao, Laguna (Saint Polycarp Parish);
- Sauyo, Novaliches (The Other Father Parish);
- San Lorenzo, Guimaras (St. Joseph Parish);
- Jakosalem, Cebu (Sacred Heart);
- Ozamis City, Misamis Occidental (San Lorenzo Ruiz);
- Marikina Heights, Marikina (St. Gabriel of Our Lady of Sorrows);
- Binondo, Manila (Our Lady of the Most Holy Rosary); at
- Sagay, Camiguin (Our Lady of the Holy Rosary Parish).
- Sta. Rita, Pampanga (Virgen delos Remedios);
- Tamborong, Guimaras (St. John the Baptist);
- Tagaytay Highlands, Cavite (Ina ng Laging Saklolo);
- Odlot, Cebu (Our Lady of Remedios);
- Calbayog, Samar (Our Lady’s Nativity); at
- El Salvador, Misamis (Divine Mercy Shrine).
Andito kami ngayon sa Jaro, Iloilo para magpaalam kay Archbishop Angel Lagdameo at para bumuo ng GDI Local Commission na mangangalaga ng monumento at magpapalaganap ng debosyon sa Immaculate Heart of Mary at sa Five First Saturdays.
Naiintindihan kita kapatid kung di ka pa naniniwala. Pero, kung wala ka na talagang matakbuhan sa iyong mga problema … subukan mo ang Ina ni Hesus at ating Mahal na Ina. Hinihintay ka niya ngayon.
Ang tanging hiling lang niya sa iyo, “Pray from the Heart.”
No comments:
Post a Comment